
"mangarap ka at abutin mo 'to. wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lunilipad na ipis. kung may pagkukulang sa'yo ang mga magulang mo, pwde ang manisi at maging rebelde. tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs , magpakulay ng buhok sa kili-kili. sa bandang huli, ikaw din ang biktima. rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili." - Bob Ong.
"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!" - Bob Ong
“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.” - Bob Ong
“kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.” - Bob Ong
"hindi lahat ng di kaya mong intindihin ay kasinungalingan at ang mga bagay na kaya mong intindihin ay katotohanan" - Bob Ong
Spot on! He has a point, oh he really does! I salute you Bob Ong!